Wednesday, October 24, 2012

“Mekaniko si Moniko ng Makina ni Monica”


Alas kwatro pasado na. Nag aantay ako ng himalang magising na sana si Inay. Umupo ako sa harap nya habang natutulog sya. Madaling madali na ako, kinakabaahan kung makakapasok ba ko, makakapag picture sa Tanya Markova. Nanghuhula ako sa mga mangyayare. Namomroblema ako kung saan ako kukuha ng pera pambili ng bago nilang album...


Hindi ko alam kung bakit sa simpleng linya nila ng “Mekaniko si Moniko ng Makina ni Monica” ay nakuha na nila ang atensyon ko nun. Kung meron man akong kinainlaban na OPM band at sinubaybayan Tanya Markova na nga siguro yun. Salamat sa NU107, siguro kung hinde sakanila hinde ko siguro kakabaliwan tong banda na to. Sa tuwing maririnig ko na ang Intro palang ng Picture,picture mabaliw baliw na ko sa sobrang saya, at pag dating sa gitna, excited na ko sa part ng second verse na “I saw her Face, muka syang taga a...a..outer space.” Iba talaga ang feeling sa tuwing naririnig ko tong bandang to. Iba yung saya tyaka excitement na na fefeel ko sa tuwing napapakingggan ko na yung mga kanta nila.




 Nung mga time na pinapakinggan ko lang sila, lagi kong iniimagine kung kelan ko ba mapapanuod at malalapitan man lang tong banda na to. Lage kong naririnig yung mga schedules ng Gig nila, Sa Guijo, sa gantong bar, sa gantong lugar, sa gantong event. Jusme kahit alam ko yung mga scheds nila ni hinde ko man lang mapuntahan. Nung una kong silang nakita. Malayuan, sa MOA pa yun. Nung sinabe ng bestfriend ko na tutugtog daw sila sa event ng C2 putrages wala akong nagawa sa bespren ko kung hinde hawakan ng malala at alog alugin. Kulang nalang torchurin ko sya sa yakap. Di ganun ka dami yung tao  pero wala akong pake, importante makita ko sila at masabayan ko yung mga kantang tutugtugin nila. Last two songs nalang ata yun ng biglang nagpapasok si Manong Guard. Badtrip! Kung kelan naman patapos na. Anak ng sampung kambing talaga. Pero oks na din atleast nakalapit din ng onti. Kaya nung mga oras na nilalasap ko bawat minuto ng pag upo namin ng bespren ko dun. Wala ng mas sasaya pa dun. Akala ko nga Una't huli ko na yung kita sa Tanya, kung makikita ko man sila baka sobrang sikat na sila, I mean baka di ko na sila maabot. Kaso hinde itinakda talaga ni Linda Blair tong nangyari sakin.

Suot ang nag iisa kong  band shirt na The Cure, dala ang Camera kong de Goma, at sarili ko, pumunta ako. 350 pesos yata ang dala kong pera, na itinatago ng tatay ko, at pang taya ng lotto ng nanay ko. Ako na talaga ang pinakaswerteng anak ng mga oras na yun, dahil yung akala ko na Album na imposible eh abot kamay na dahil sa mga magulang ko. Nang mga oras na nakasakay ako sa jeep, namomroblema ako dahil baka nagsimula na yung mall tour, o di kaya maaga nagsimula o tapos na napaparanoid na ko sa sobrang excitement. Ewan bahala na si Batman. 






Pag dating ko dun, thank you Lord di pa nagsisimula. Diretso agad ako dun sa may nagtitinda ng Album. Nag dadalawang isip pa ako ng mga oras na yun kung bibili ako, kase nga sakto lang talaga pera ko. Pero wala eh ganun ko kamahal ang Tanya, wala nang patumpik tumpik pa. “Ate pabili nga, yung pinaka maganda dyan sa magkakaparehas na yan.” Medyo nataranta ata si ate nalaglag pa nya yung paper bag na lalagyan nya. Humm humm.. Ngumiti nalang sya... Nang mga oras na yun isang line lang ng Lyrics ang tumatakbo sa isip ko. “Ang pangarap ko nung bata sana'y matupad...” Sa muka ko isa lang makikita mo. Ngiti abot hanggang utak. Tinarget ko na agad yung upuan dun sa may harapan. Wala pa ang Tanya, nag basa ng onte. Eh may Humiyaw na. Sirado libro, labas camera at may pag nginig pa ko sa excitement. Nang lumabas na si Heart Abunda at Rez Curtis. Tumaas na lahat ng balahibo ko, hanggang sa magsisimula na nga, ayan na si Iwa at Norma. Boom! Ayun na. Habang nasa tugtugan di ko mapigilang kumanta sa bawat tinutugtog nila. Hanggang sa huli at katapusan, hindeng hinde ko maialis yung ngiti ko sa muka ko. Sa pila ng Signing, ako pinaka una. Masaklap nga lang kasi wala akong kasama walang magpipicture kaya ayun sariling sikap. At ambaet nung manager ata nila yun sya pa nag presenta na magpicture samin ni Norma. Nung ginawa nya yun Jusme laking pasasalamat ko kay Lord. Kung pwede lang halikan si Lord ng mga oras na yun. Hanggang sa nilagyan din nila ng sign pate yung journal ko. Shet!! Sarap ng feeling. Hanggang nakarating na ko kay Iwa at Mow Mow, at ayun napansin pa ang The Cure kong Tshirt. At todo chika pa sa sakin na pupunta daw ang The Cure dito, Kung may mundo mang tumigil ng mga oras na yun. Pusang Gala! Sakin na ata yung mundo na yun. Kaya nung makausap ko si Iwa at Mow Mow ewan. Ngiting ngiti talaga ako. Hanggang sa Nakaalis na ko. Di ko padin mawala yung ngiti na yung, hanggang sa makasama ko yung bespren ko sa lugawan. Hayyy sarap mabuhay sana ganun nalang palagi. Yung dating pinapangarap ko lang habang naglalaba ako; na makita man lang at malapitan ang Tanya eto Reyalidad na. 

Ako at ang estudyante kong si Jen Jen




 Kaya sa mga bata'ng Fan na fan ng kung ano mang banda o anong klase ng sikat na tao. Anak ng tinapa! Wag kayo'ng mapagod mag imagine. Mangyayare din yan onting tiis at antay lang yan. Mahalin nyo lang yang mga bagay na nag papasaya sainyo at nagdadala sinyo sa rurok ng matinding kabaliwan, manaliig lang kayo na makikita, makakamayan at baka mayakap nyo pa sila. Alalahanin: Lahat tayo pareparehas lang umiidolo, nangangarap, at nagmamahal lamang sa talento at galing ng mga minamahal nating mga idolo. Kaya wag isiping baliw kayo tulad ko. Damay damay na mga katoto.