Nakita ko tong poster na to sa Police Station ng Dasma, ngayon ko lang nakita yung poster na yun. Nakakainis kasi di lang man naisip ng na padamihin yung poster na yun at idikit sa iba't ibang institusyon, eskwelahan, at public places na madaling madali lang makita ng tao. Nung nakaraan lang may kapitbahay nanaman kami ng nagkatay ng Aso, pang ilang beses na to nangyayare sa subdivision namin. Executive homes pa man din ang tawag pero nakakabadtrip dahil yung bagay na sobrang lala tulad nito di lang man mapuksa. Asan ba yung local government? Asan ba yung homeowners na concerned? Asan ba yung may responsibilidad sa mga gantong bagay?
Ibinalita namin sa barangay, kumilos sila pero tiningnan lang nila. Wala kaming napala.
Alam ko namang di na bago tong gawain na to, andaming ng napapaimbestigador, napapa XXX, bitag o kung ano man yang mga TV show na nanghuhuli ng ganyang gawain. Alam ko namang isa ako sa milyong milyong tao na namomroblema sa gantong bagay at wala nalang magawa para matigil to pero sana naman di lang pang TV show, pambalita, o pandagdag lang sa article sa dyaryo yung mga gantong problema. Jusme, wala kang makain so pati aso ipanlalaman tyan mo?!
Tuwing nakikita ko yung sitwasyon ng mga asong sakal na sakal na sa tali nila, init na init na sa tirik ng araw, uhaw, gutom, nanglulumo, wala na kong ibang maisip minsan na sana maging baliktad nalang yung sitwasyon, sana yung taong nag alaga nalang yung nakatali dun. Ang baliw mang isipin pero wala eh, maiisip mo nalang talaga yun sa sobrang asar.
May mga gago talagang tao na pinapakinabangan lang yung aso which is di nakakatuwa. Maghihingi ng tuta kasi cute, pag lumaki naman itatali lang, iiwan, papayat, aantayin nalang kung kelan mamatay. Pusang gala! Wala ng bago dito. Gantong ganto yung ibang Pilipino. Meron naman mga taong kukunin yung aso kasi aalagaan daw, papatabain, tapos kakatayin. Mga hampas lupa. Pwede namang magtanim ng talbos ng kamote at makuntento sa anong meron. Kaya lang naman nagugutom kasi walang balak kumilos ng matino para mabusog pati inosenteng aso ibabarbecue para lang saan? Pulutan? Pang laman tyan? Kayo kaya katayin ko.
Mga katoto pakigising naman nyang mga utak nyo. Aso yan. Di yan karneng minarinade sa toyo kalamansi para ipang pulutan. Para din yang tao, kumakain, nauuhaw, marunong makiramdam sa mundo, naghahanap ng lambing, at nagmamahal.
No comments:
Post a Comment