Thursday, April 26, 2012

Basa Lang.

"Sa isang banda kahit gano ka katamad mag basa basta pag nakuha ng isang salita yung atensyon mo at may pagtyatyaga kang intindihin yung mga yun magiging malawak yang pag iisip mo."

Simula ng niluwa ako ng nanay ko sa mundo wala na kong inikutan at naging play ground kung hindi yung mga libro dito samin. Pero sa diname dame ng Libro sa paligid ko hinde ako sinipag mag basa. Nagalaw ko na lahat ng Libro pero hinde ko sila binasa. Tiningnan ko lang yung mga pictures dun.
Tapos yung iba binababoy ko lang din. Ko-coloran ko. Lalagyan ko ng ribbon yung dinosaur, lalagyan ng mapa yung sobrang papel dun sa dulong banda ng Libro. Yun lang talaga ang alam kong gawin. Sinasabe sakin ng nanay ko noon ng paulit ulit, "basahin ko daw lahat ng Libro. Pag tumanda daw ako mapapaka kinabangan ko yun. At dun lahat nag uugat ng katalinuhan ng ta." At eto ko ngayon, hindi ako matalino, mahina ako sa spelling, bobo ako sa grammar. Kasi dinedma ko lang yung sinabe nya. Pero syempre hinde ko naman kinalimutan yung sinabe nyang yun. Di na yun big deal sakin date pero ngayon eto binabalik balikan ko na. Bumubuklat padin naman ako ng Libro eh, maliban sa pag babasa, pinaka ineenjoy ko talaga yung pag tingin sa picture. Oks ako palage pag punong puno ng drawing at picture ang Libro, minsan nakakasawa din pero binubusog naman nya mata ko. Sa ganong bagay masaya na ko.


Nung bata ako wala akong ibang ginagawa kung hindi tanggalin lahat sa book shelves namin, yung mga makukulay na encyclopedia. Mahilig akong kumuha ng mga encyclopedia at makukulay na Libro kase feeling ko madaming drawing yun. Pinaka Favorite kong pakelaman nun eh yung Child Craft pati yung Winners Learner's Book, pate narin yung world book. Kumpletong kumpleto na yung araw ko kapag tinitingnan ko yun. Kahit paulit ulit.

  















Nung 4th year high school ako may nakita kong Libro, The Alchemist yung title nya. Si Paulo Coelho yung sumulat. Nakakalat lang sya dito samen, eh nung nakita ko yung cover amporma. Simple pero sarap tingnan. Lage ko lang syang tinatabe, sinasabe ko babasahin ko sya pero di ko naman ginagawa. Dumating yung araw na di ko bate yung tropa ko sa school, syempre wala akong kausap, kaya ayun pag Lunch break , recess andun lang ako nakatutok. Ang totoo umabot na ko ng pang benteng page na yata pero hinde ko padin naiintindihan yung storya kase mas iniisip ko nga yung mga tropa ko habang nag sasaya sila ng wala ako. Badtrip nga naman. Wala akong napala, itinago ko nlang talaga yung libro hanggang sa magbate din kame ng mga tropa ko. Wala talaga akong natapos na English novel nung High School. Kung meron man  akong natapos na Libro nun iisa lang talaga, 
ABNKKBSNPLAko?! yun yung isa sa pinaka mabilis kong natapos na Libro, mga 2 oras lang sa sobrang pag mamadali, di ko napansin Jabar na pala ako ng malala. Sobrang nag enjoy ako dun kase na nahuli nya agad yung kiliti ko. Sobrang laki talaga ng impluwensya sakin ni Bob Ong maliban sa nakakatuwa yung mga libro nya, di ko maiwasang ilayo yung sarili ko sa lahat ng kwento nya sa libro nya. yung tipong iniimagine ko na ako yung isa sa mga characters.

Ngayong kolehiyo na ko saka naman akong sumipag mag basa. Paunti unti, nag simula sa mga Manga na ni Doraemon, pinagpatuloy basahin ang mga Libro ni Bob Ong, thank God at may mga Libro si Bob Ong sa Library namin sa school. Kaya habang nag aantay ako sa lintik kong elementary statistics na subject dun ko binubuno ang oras ko.  Wala akong ibang tambayan sa school kung hinde sa Library. Maliban sa malamig nakakatuwa din mag basa ng Self Help Books pate Libro sa Psychology na tungkol sa mga Disorders. Minsan kuha ako ng kuha ng maraming libro kaso pag si Katam na ang umatake wala na lahat pakinabang yung mga librong nakuha ko. Kaya minsan nakakaawa din yung nag babalik ng Libro sa shelves pinahirapan ko pa sila eh di ko naman nagagalaw yung mga Libro.


Last year lang ng karoon ako ng achievement. Nakatapos ako ng english novel. Love story si Nicholas Sparks yung sumulat. Dear John, medyo na disappoint man ako sa ending ok lang. Natutuwa naman ako kase nakatapos ako ng isang english novel. At simula nga nun sunod sunod na yung pag babasa ko ng mga English novel kung hinde din siguro dahil kay g.bro, di ako sisipagin mag basa ng mga english novels. Lage kasi kaming nag dedeal sa mga ganyang bagay. Sinundan na ni The Alchemist yung yung Dear John, sa wakas nabasa ko nadin yung pinakatago tago kong libro na inechepwera ko lang nung high school. Hanggang sa sinundan na ng Veronikas Decides to Die, na pinaka nagustuhan ko! :) Tapos Beautiful Boy na pinilit ko talagang bilhin sa booksale, tas hanggang ngayon di ko padin natatapos kase ipinahiram ko sa kapatid ko. Eh niregaluhan pa ko ng Eleven Minutes nung birthday ko ng mga ka squadmates ko. Ayun awa ng diyos ang ganda ng kwento 10 chapters nalang nattira.

Sa mundong to kung meron ka mang dapat gawin maliban sa pag tingin at pagkaroon ng pakelam sa paligid mo. Dapat tinutuunan mo din ng pansin yung pagbabasa. Wala naman yan sa sipag o pagiging matalino para tawagin kang bookworm. Nasa pag tyatyaga lang palagi yan. Wag mo din pilitin yung sarile mo na basahin yung mga bagay na hinde talaga pumupukaw sa interes mo. Di mo kailangan ng patok o mahal na libro. Tagalog man o ingles, hinde na importante basta naiintindihan mo at yung pinaka maganda dun, yung tatatak sya utak mo at dadalhin ka sa ibang mundo kakaimagine habang inilalagay mo yung sarile mo sa mga kwentong binabasa mo.

Wednesday, April 25, 2012

Things that stunned me most.


So here it goes. Sobrang nakasanayan ko na to since bata pa. Lahat ng bagay na maka-captivate ako eh sobrang hinihintuan ko talaga. Muka man akong tanga o ignorante sa iba wala akong pakelam. Talagang hihintuan ko yung bagay para lang tingnan lahat ng detalye. Minsan nga napapahamak ako dahil dun. Naalala ko nung bata ko dahil sa curiosity ko dun sa polo shirt dahil sa design nya nilapitan ko tas kukunin ko sana para ipakita kay mame ayun pag balik ko wala na sya, nawawala na pala ako. One hell experence din sakin yun nung bata kasi syempre apat na taon palang ako tas nililibot ko na yung mall hanggang parking lot umabot ako mahanap lang nanay ko, anak ng tupa sa mga hapon lang pala ko mauuwe. Sila pa umapproach sakin para madala ko sa guards. Minsan yung curiosity ko sa isang bagay sobrang dinadala ako sa ibang feeling, kaba, saya, insecurities, pate ata pang araw araw kong ginagawa dinadamay ko sa pag iisip sa tuwing may mga bagay akong nakakapag patigil sakin.

Madalas na nakakapagpahinto sakin eh yung mga simpleng bagay lang din naman, puno, inosenteng aso, pusa, langgam, tubig, bata(yung di makulit), couples(syempre may pag inggit yang halo minsan. LOL), mga kagaguhan ng tao, ulap, mga drawing o kahit bandalismo, sobrang dame. At ang pinakagusto ko dun sa sobrang interest ko sa mga ganong bagay, sobrang dame kong thoughts na naiisip. Minsan nga nagugulat nalang ako kase bigla na lang akong makakabuo ng bagong bagong pangarap. Ang gago lang pakingggan no? Pero ayos lang pake ba nila. Ganun kalawak imagination ko, kahit siguro bigyan mo ko ng isang minuto kaya kong gumawa ng nobela base sa imagination ko. LOL. 

Eto lang isang araw pumunta kami ng mga kasama ko sa ATC. Papunta kami ng McDo,sa likod kami dumaan. nung paakyat palang dun sa lugar boom! Ayun na may nakakuha nanaman ng atnensyon ko!! Pag kita ko palang nung ugat ng puno, eto na agad yung sentence na umadar sa utak ko: "PUTRAGES ANG GANDA! PWEDENG TAMBAYAN NG MGA DWENDE TO PAG MAY SESSION SILA, ANG GANDA NG MGA UGAT GRABE!!" ~Ang baliw diba? Pero yan talaga umandar sa utak ko. Mga dwendeng gaagwan ko ng story tungkol sa pag sesession nila sa magandang ugat nung puno na yun. Kaya nung nakita ko yun talagang pinauna ko yung mga kasama ko sa Mcdo at Boom! Thank you Lord dala ko yung camera kong bulok pero malaki ang pakinabang. Sa sobrang saya natalisod pa ko dun sa gater nung pabalik na ng McDo eh aales nadin pala. Anak ng tokwa talaga, Pero oks lang sobrang saya ko naman. Worth it yung pag punta namin dun sa ATC, ng dahil sa puno na yun. :) Tyaka syempre sa mga nakasama ko. Kase nung mga time na yun feeling ko nakakarating na ko kung saan saan wala lang enjoy lang kase di naman ako ganun kagala. :)

Muka mang tanga o gago yung mga simpleng bagay na mag papasaya sayo wag kang mahihiya o mag aalinlangang pagpatuloy o panindigan yan kase kung hinde dahil dyan hinde mabubuo yung simpleng thoughts na makakapag pabuti sayo bilang tao. 


Tuesday, April 24, 2012

Trying Hard.

Material: Charcoal
Canvass: Our Unfinished Wall  










Fourth year ako nun naalala ko. Nanalo ako sa poster making contest. Akala ko stepping stones na yun para pag patuloy ko yung pag dadrawing ko ng seryoso. (tsk. feeling) haha sobrang trying hard na talaga ako mag drawing since bata pa. Inggit na inggit ako dun sa mga nakakapagdrawing ng sobrang ganda, lalo na yung mga tipong sketches lang, kahit outline pa nga lang yung ginagawa sobrang benta sakin yung mga ganun. Ngayon nag dadrawing padin ako, pero waley talaga di ko na talaga ata mailelevel up to. Sobrang trying hard ko sa gantong bagay. As in pinipilit ko talagang iportray yung gusto ko and umaandar sa utak ko, kaso wala eh. Parang ganto: sinabe ng teacher mo na mag drawing ka ng tao, syempre naiisip mo gagandahan mo yung mata, lalagyan mo ng bonggang eyelashes pero kinalabasan stickman lang. Ganun ako sa tuwing nag dadrawing, kahit anong pilit ko di ko talaga maga yung tumatakbo sa utak ko. Wala akong formal training, wala akong ideya kung pano ba talaga sinisimulan as in kung ano lang magawa ko yun lang talaga. Ni hinde ko nga alam kung saan ba ko nagandahan sa lahat ng ginawa kong drawing. Kase di talaga ako nasasatisfy sa mga natatapos kong drawing. Pero sana kung mabubuhay ako uli, sana ipanganak ako na henyong artist yung tipong maiuukit din yung pangalan tapos mae-exhibit din yung paintings sa musuem, yung tipong mga ganun. Tapos pag aagawan ng gobyerno, archeologist yung original kong gawa tas kunware ibebenta ng mahal. Boom! sa ganung bagay kahit 100 years lang itagal ko sa mundo okey na eh. Solb na. 



Saturday, April 21, 2012

Every Breath I take, I'm always with you.

Digging the soil.
Organizing the rocks from big to small.
Stitching the leaves and imagining that it's like a barbecue.
Laying down to the grass, and dreaming that she's like the lovely characters in the movie.
Making shapes in the clouds.
Going to the roof and Lay down just look up and stare at beautiful stars.
Disgusted by the obnoxious looks of strange creature but still her curiosity flows.
Stunned by different views and while seeing it, she's imagining that she could also fly there someday.




















Living and loving the nature in early age is a pleasure that I wouldn't regret.
My life wouldn't be complete without nature.
It's an escape from the busy and crazy life I have.

P.S.
I wouldn't get tired to climb and walk, but I will never swim, even it's a matter of life and death I'll choose to drown my self.







Credits to 
Jevee Manzano  & Kaira Casauran For being my Photographer and to the owner of the SLR Ms. Aqui A.

ink, ink, ink with my folks









Ang aga aga binulabog nanaman ako/ kame ng mga kamga anak ko! Jusko men buong araw andito para pag lamayan tong PC makita lang yung Pesbuk nila hahahahahaha! Pero hinde yun yung pinaka enjoy na parte. Kase eto'ng pinsan kong si Jam Jam pasimuno nag palagay ng Old English black letter sa likod nya, ayun sunod sunod na. Pati yung pinasan kong si Angel nakasali nadin.. :) 


Nakakatuwa lang kase kahit ang hussle ng pag hehenna gustong gusto ko syang gawin. Sobrang nakakasatisfy sa tuwing nakakatapos ako ng isang project sa katawan ng isang tao, pero minsan di din nasasatisfy yung mata ko sa ginagawa ko. Minsan napapangitan ako sa gawa ko feeling ko ang chaka chaka, disaster kaya minsan naiirita ako. Lalo na sa mga nilalagyan ko, pag magulo tas ang daming demands.. nako minsan nababadtrip ako kaya pag ganun pinapangitan ko nlang yung lagay. LOL


Nung mga nakaraang araw nga eh pinapaulit ulit ko sa nanay ko na gusto ko talaga maging tattoo artist. Parang gusto ko n atalagang karirin yun. Kaso nga lang kailangan ko pa tapusin yung course ko. Para di naman kase sa ikauunlad ko yun.. Sabe niya, Naniwala nalang din ako kahet nung time na sinabe nya yun eh labag sa loob ko. Mom's knows best nga daw eh. Pero ngayon di nanaman  ganun ka bigdeal sakin yung issue sakin nung course na yun, dahil unti unti ko narin namang minamahal yun dahil nagiging interesado nadin ako. Tyaka syempre dahil sa mga taong nakakasama ko, oha oha! 


Siguro kung mabubuhay man ako uli, ayoko maging hayop o halaman o puno, gusto ko padin maging tao. Gusto ko malasap yung mga bagay na di ko nalasap habang nabubuhay ako sa mundong ibabaw. Tas gusto kong mabubuhay ako sa simpleng pamilya,yung tipong wala akong gagawin kung hinde trabaho lang sa bahay at pagkatapos hahawak nlang ako ng paint brush at makakalatan nalang ng pintura sa kamay. At syempre, sana maging tattoo artist din ako, :) Yun lang okey na ko.






  • Blackening Shampoo
  • Hair dye courtesy by Jam Melicano
  • Ballpoint (thrift store)
  • Syringe


Sunday, April 8, 2012

KATEE T'YO

Si Katy ang pusa naming loyal, feeling, malande, maharot, papansin at bading. Bading kase lalaki sya pero "KATY" pangalan nya. Well, ganun lang talaga siguro kalakas makaimpluwensya si Katy Perry.

Naalala ko noon si Katy pinaglalaruan pa dito sa harap ng bahayskwela dito ng mga bata. Katy pinangalan sakanya dahil sa katanyagan siguro ni Katy Perry ewan ko ba sa mga batang yun. Dapat itatapon na sya eh si inay ang dakilang tagasagip ng mga hayop dito samin, ayun pinakaen pinatuloy samin. Nung una sabe ko hayaan mo na andyan na eh, wala na akong magagawa ginusto ni inay yun eh. Basta wag lang talaga nya ko idadamay sa pagaalaga sa pusang yun, at wag na wag lang talaga hihiga sa higaan ko. Nung una hinahayaan ko lang si inay sa ginagawa nya. [sige masaya ka dyan nay eh, (,")] 
Jusko po pagkalipas ng isang linggo inuutusan na akong pakainin si Katy, boom! Ayun na nga. Nauwe din sa kinakatakutan ko, madadagdagan nanaman ang aalagaan at papakainin ko. Di lang siyam na aso, pati papala isang malanding pusa.
PUSANG GALA TALAGA!!

Pero di ko aakalaing magiging masaya pala ang pagtengga samin ni Katy dito.
Isang gabi nakaupo ako, nag eenjoy sa pinapanuod, pero ang totoo namomroblema padin ako sa napakarami kong problema. Dahil di padin nga ako makamove on, nagulat ako, umupo si katy sa Tabe ko. Sinabihan ko oh bat andito ka nanaman? Sabay hipo ng ilong nya. Akala ko uupo lang, yun pala magpapakamot ng ulo nya. Best part pa dun pumwesto talaga sya ng paupo para makamot ko ulo nya. nung mga oras na yun pawing pawi yung pagod at lungkot ko. Ang simple nang ginawa nya pero sobrang nahuli nun yung pagiging inosente ng utak ko.
At eto pa nung sobrang down na down ako sa nangyayare sa buhay ko napapansin ko lagi akong ginugulo ni katy. Kung hinde sya tatawid sa higaan ko para makapunta sa kisame, hihiga sya sa harapan ko sabay magpapakamot. Pag di mo pinansin bigla nalang ngingiyaw ng malakas. Parang baliw. Pero ngayon narealize ko yung pagpapansin nya palang yun sobrang makahulugan pala. Nung mga time na yun gusto ko ng kausap, wala kong makausap, baet ni lord alam nya nangyayare sakin ayun pinapunta nya si Katy sa tabe ko. Ang mali ko tiningnan ko lang sya, ni hindi ko lang man pinansin yung pag ngiyaw nyang yun.

Nakakatuwa kase yung pusang akala ko dati eh katulad lang ng ibang pusa na walang pake at basta nilang makikitira at magpapaalaga eh katulad ni Katy, di pala. Iba sya, alam nya kung pano nya pakikisamahan, papasiyahin at dadamayan yung amo nya. Sobrang Lab ko si Katy kahit higa sya ng higa sa higaan ko, at paulit ulit na kong nag lalaba ng kumot at punda ng unan ko. 
:O :)) 










sa mga oras na ginagawa ko tong blog ko andito lang sya sa paligid. Paikot ikot, naghahanap siguro ng kalaro, unfortunately tulog na ang bespren nyang si Ping Ping. :) Kung alam nya lang na binoblog ko na sya. :3


KATEE TYO!!!

summer ink.

You know whats good about life? Is that you plunge yourself into the deepest part of expressing your self into different way. The Life in the art of tattooing today in youngsters becomes more colorful. It's not just about being one with the trend it's all bout expressing yourself with the different stories behind your tattoos. It's a love of lifetime, An ink that would really mark on your skin in lifetime and could tell a lot of stories.


I was an enthusiast, I don't have any tattoos but I really Enjoy the every second I leave my eyes into the skins that looks like a big drawing paper. It's the intricate designs and beautiful stories that mesmirize me everytime I look at others people body.


















I am an enthusiast.
I'm a lover of every canvass in the bodies of folks.
I drew a lot of drafts that I want to ink it up in the skin of people.





  • Calligraphy *2.0- Artline 
  • Hair Dye 
  • Syringe
  • Fine Marker- Pilot Courtesy by my g.bro Mr. Allan Paul Igares 
  •  Ballpoint 

My kuya Benj asked me to put a Henna on his biceps. Then it turned out to a lot of my folks asked me to put henna on them. That 4th picture I screwed up, I tried to make Mehndi design but hek!~ next time I'll do it seriously.

It was an awesome experience that these people asked me to ink at their bods, at least I felt the that I am slowly conquering my dream to be a Tattoo artist LOL! C'mon!? We are all dreamers! :))


Saturday, April 7, 2012

Bokuno!!!

This morning I got irritated because my dad woke me up to clean all the mess at our room. The Hell! 
But I have no choice. I still want to sleep but arrgghh!!!
Fortunately while cleaning, I turned it up the t.v. and then I saw the commercial of Doraemon the movie at GMA7 and you know whats so good about it? It'll be aired 9AM!! That time it's already 8:45AM!! Holy cow!!! I'm so Lucky!! 

So here it goes. This is all about the love that I have for Doraemon.

Just to capture that moment. :)) 
 Trying to collect all the Doraemon stuffs I have. That time I only have few, today, I still have few! HAHA!! c'mon?! It's so expensive to have a hobby like this huh!




Doraemon makes me smile.
Doraemon brings me back to my childhood memories which is the best feeling ever!
Doraemon is the only one that I could hug in midst of sadness and happiness everyday, every minute.
I love Doraemon, his untiring smile makes my day. 

Thursday, April 5, 2012

afternoon adventure with dad



Alas Singko ng Hapon, huwebes santo. Nag reready na ko para maligo. Tinawag ako ni itay, samahan ko daw sya sa Golden City Imus, wala daw sya kasama baka daw kung mapaano pa~~ sus Andrama ni itay. Sabe ko nung una ayaw ko. Kaso bigla kong sinabe sakanya, "sige, basta bili mo ko ng Ice Cream." Pero naisip kong di naman nya ko siguro ibibili. Naisip ko nalang na ok na din sumama ng masilayan ko naman ang outside world and oppurtunity nadin para makapag picture ng may mai-blog.



mga abubot ni itay sa owner
Buwis buhay part. pinapagalitan na ko ni dade kase pinapilitan kong ilabas yung ulo and kamay ko makuwanan lang yan.. Ganda kase eh.
Ang aming makulay at maangas na owner.
syempre lalong sumaya ang roadtip namin sa mga tugtugang rasta ko habang nasa byahe.
 Almost there.
While waiting. 
Paulo Coelho's Eleven Minutes. 
si douggie.
naalala ko nasa midst kami ng trapik nung binili ni dade yan. Di ko din maintindihan kung bakit nya  natripan yan. Siguro dahil aso at gusto ni mame. Paimpress! LOL
 on our way home

 At eto na yung pinakaantay ko sa lahat... Ang Ice Cream worth it ang pag aantay! DAMN!!! 
Selecta's Double Overload!! Oh yeah kahit 750 ml. oks na oks na kame. Busog si inay, ate, si Ping Ping, at syempre ako!!! :D
Paubos na oh Ehm!

~~~~~~~~~~~

ok so that's my afternoon. Akala ko magiging boring yung Maundy Thursday ko, damn! Di pala HAHAHAHA!! Kahit medyo badtrip yung Digicam kong nagmumura sa ganda dahil nung pauwe na kami tinopak nanaman, ang sarap itapon sa highway. Pero syempre kahit papano may pakinabang sya kaya ayun. :))