Thursday, April 26, 2012

Basa Lang.

"Sa isang banda kahit gano ka katamad mag basa basta pag nakuha ng isang salita yung atensyon mo at may pagtyatyaga kang intindihin yung mga yun magiging malawak yang pag iisip mo."

Simula ng niluwa ako ng nanay ko sa mundo wala na kong inikutan at naging play ground kung hindi yung mga libro dito samin. Pero sa diname dame ng Libro sa paligid ko hinde ako sinipag mag basa. Nagalaw ko na lahat ng Libro pero hinde ko sila binasa. Tiningnan ko lang yung mga pictures dun.
Tapos yung iba binababoy ko lang din. Ko-coloran ko. Lalagyan ko ng ribbon yung dinosaur, lalagyan ng mapa yung sobrang papel dun sa dulong banda ng Libro. Yun lang talaga ang alam kong gawin. Sinasabe sakin ng nanay ko noon ng paulit ulit, "basahin ko daw lahat ng Libro. Pag tumanda daw ako mapapaka kinabangan ko yun. At dun lahat nag uugat ng katalinuhan ng ta." At eto ko ngayon, hindi ako matalino, mahina ako sa spelling, bobo ako sa grammar. Kasi dinedma ko lang yung sinabe nya. Pero syempre hinde ko naman kinalimutan yung sinabe nyang yun. Di na yun big deal sakin date pero ngayon eto binabalik balikan ko na. Bumubuklat padin naman ako ng Libro eh, maliban sa pag babasa, pinaka ineenjoy ko talaga yung pag tingin sa picture. Oks ako palage pag punong puno ng drawing at picture ang Libro, minsan nakakasawa din pero binubusog naman nya mata ko. Sa ganong bagay masaya na ko.


Nung bata ako wala akong ibang ginagawa kung hindi tanggalin lahat sa book shelves namin, yung mga makukulay na encyclopedia. Mahilig akong kumuha ng mga encyclopedia at makukulay na Libro kase feeling ko madaming drawing yun. Pinaka Favorite kong pakelaman nun eh yung Child Craft pati yung Winners Learner's Book, pate narin yung world book. Kumpletong kumpleto na yung araw ko kapag tinitingnan ko yun. Kahit paulit ulit.

  















Nung 4th year high school ako may nakita kong Libro, The Alchemist yung title nya. Si Paulo Coelho yung sumulat. Nakakalat lang sya dito samen, eh nung nakita ko yung cover amporma. Simple pero sarap tingnan. Lage ko lang syang tinatabe, sinasabe ko babasahin ko sya pero di ko naman ginagawa. Dumating yung araw na di ko bate yung tropa ko sa school, syempre wala akong kausap, kaya ayun pag Lunch break , recess andun lang ako nakatutok. Ang totoo umabot na ko ng pang benteng page na yata pero hinde ko padin naiintindihan yung storya kase mas iniisip ko nga yung mga tropa ko habang nag sasaya sila ng wala ako. Badtrip nga naman. Wala akong napala, itinago ko nlang talaga yung libro hanggang sa magbate din kame ng mga tropa ko. Wala talaga akong natapos na English novel nung High School. Kung meron man  akong natapos na Libro nun iisa lang talaga, 
ABNKKBSNPLAko?! yun yung isa sa pinaka mabilis kong natapos na Libro, mga 2 oras lang sa sobrang pag mamadali, di ko napansin Jabar na pala ako ng malala. Sobrang nag enjoy ako dun kase na nahuli nya agad yung kiliti ko. Sobrang laki talaga ng impluwensya sakin ni Bob Ong maliban sa nakakatuwa yung mga libro nya, di ko maiwasang ilayo yung sarili ko sa lahat ng kwento nya sa libro nya. yung tipong iniimagine ko na ako yung isa sa mga characters.

Ngayong kolehiyo na ko saka naman akong sumipag mag basa. Paunti unti, nag simula sa mga Manga na ni Doraemon, pinagpatuloy basahin ang mga Libro ni Bob Ong, thank God at may mga Libro si Bob Ong sa Library namin sa school. Kaya habang nag aantay ako sa lintik kong elementary statistics na subject dun ko binubuno ang oras ko.  Wala akong ibang tambayan sa school kung hinde sa Library. Maliban sa malamig nakakatuwa din mag basa ng Self Help Books pate Libro sa Psychology na tungkol sa mga Disorders. Minsan kuha ako ng kuha ng maraming libro kaso pag si Katam na ang umatake wala na lahat pakinabang yung mga librong nakuha ko. Kaya minsan nakakaawa din yung nag babalik ng Libro sa shelves pinahirapan ko pa sila eh di ko naman nagagalaw yung mga Libro.


Last year lang ng karoon ako ng achievement. Nakatapos ako ng english novel. Love story si Nicholas Sparks yung sumulat. Dear John, medyo na disappoint man ako sa ending ok lang. Natutuwa naman ako kase nakatapos ako ng isang english novel. At simula nga nun sunod sunod na yung pag babasa ko ng mga English novel kung hinde din siguro dahil kay g.bro, di ako sisipagin mag basa ng mga english novels. Lage kasi kaming nag dedeal sa mga ganyang bagay. Sinundan na ni The Alchemist yung yung Dear John, sa wakas nabasa ko nadin yung pinakatago tago kong libro na inechepwera ko lang nung high school. Hanggang sa sinundan na ng Veronikas Decides to Die, na pinaka nagustuhan ko! :) Tapos Beautiful Boy na pinilit ko talagang bilhin sa booksale, tas hanggang ngayon di ko padin natatapos kase ipinahiram ko sa kapatid ko. Eh niregaluhan pa ko ng Eleven Minutes nung birthday ko ng mga ka squadmates ko. Ayun awa ng diyos ang ganda ng kwento 10 chapters nalang nattira.

Sa mundong to kung meron ka mang dapat gawin maliban sa pag tingin at pagkaroon ng pakelam sa paligid mo. Dapat tinutuunan mo din ng pansin yung pagbabasa. Wala naman yan sa sipag o pagiging matalino para tawagin kang bookworm. Nasa pag tyatyaga lang palagi yan. Wag mo din pilitin yung sarile mo na basahin yung mga bagay na hinde talaga pumupukaw sa interes mo. Di mo kailangan ng patok o mahal na libro. Tagalog man o ingles, hinde na importante basta naiintindihan mo at yung pinaka maganda dun, yung tatatak sya utak mo at dadalhin ka sa ibang mundo kakaimagine habang inilalagay mo yung sarile mo sa mga kwentong binabasa mo.

1 comment: