Material: Charcoal
Canvass: Our Unfinished Wall
Fourth year ako nun naalala ko. Nanalo ako sa poster making contest. Akala ko stepping stones na yun para pag patuloy ko yung pag dadrawing ko ng seryoso. (tsk. feeling) haha sobrang trying hard na talaga ako mag drawing since bata pa. Inggit na inggit ako dun sa mga nakakapagdrawing ng sobrang ganda, lalo na yung mga tipong sketches lang, kahit outline pa nga lang yung ginagawa sobrang benta sakin yung mga ganun. Ngayon nag dadrawing padin ako, pero waley talaga di ko na talaga ata mailelevel up to. Sobrang trying hard ko sa gantong bagay. As in pinipilit ko talagang iportray yung gusto ko and umaandar sa utak ko, kaso wala eh. Parang ganto: sinabe ng teacher mo na mag drawing ka ng tao, syempre naiisip mo gagandahan mo yung mata, lalagyan mo ng bonggang eyelashes pero kinalabasan stickman lang. Ganun ako sa tuwing nag dadrawing, kahit anong pilit ko di ko talaga maga yung tumatakbo sa utak ko. Wala akong formal training, wala akong ideya kung pano ba talaga sinisimulan as in kung ano lang magawa ko yun lang talaga. Ni hinde ko nga alam kung saan ba ko nagandahan sa lahat ng ginawa kong drawing. Kase di talaga ako nasasatisfy sa mga natatapos kong drawing. Pero sana kung mabubuhay ako uli, sana ipanganak ako na henyong artist yung tipong maiuukit din yung pangalan tapos mae-exhibit din yung paintings sa musuem, yung tipong mga ganun. Tapos pag aagawan ng gobyerno, archeologist yung original kong gawa tas kunware ibebenta ng mahal. Boom! sa ganung bagay kahit 100 years lang itagal ko sa mundo okey na eh. Solb na.
No comments:
Post a Comment