Si Katy ang pusa naming loyal, feeling, malande, maharot, papansin at bading. Bading kase lalaki sya pero "KATY" pangalan nya. Well, ganun lang talaga siguro kalakas makaimpluwensya si Katy Perry.
Naalala ko noon si Katy pinaglalaruan pa dito sa harap ng bahayskwela dito ng mga bata. Katy pinangalan sakanya dahil sa katanyagan siguro ni Katy Perry ewan ko ba sa mga batang yun. Dapat itatapon na sya eh si inay ang dakilang tagasagip ng mga hayop dito samin, ayun pinakaen pinatuloy samin. Nung una sabe ko hayaan mo na andyan na eh, wala na akong magagawa ginusto ni inay yun eh. Basta wag lang talaga nya ko idadamay sa pagaalaga sa pusang yun, at wag na wag lang talaga hihiga sa higaan ko. Nung una hinahayaan ko lang si inay sa ginagawa nya. [sige masaya ka dyan nay eh, (,")]
Jusko po pagkalipas ng isang linggo inuutusan na akong pakainin si Katy, boom! Ayun na nga. Nauwe din sa kinakatakutan ko, madadagdagan nanaman ang aalagaan at papakainin ko. Di lang siyam na aso, pati papala isang malanding pusa.
PUSANG GALA TALAGA!!
Pero di ko aakalaing magiging masaya pala ang pagtengga samin ni Katy dito.
Isang gabi nakaupo ako, nag eenjoy sa pinapanuod, pero ang totoo namomroblema padin ako sa napakarami kong problema. Dahil di padin nga ako makamove on, nagulat ako, umupo si katy sa Tabe ko. Sinabihan ko oh bat andito ka nanaman? Sabay hipo ng ilong nya. Akala ko uupo lang, yun pala magpapakamot ng ulo nya. Best part pa dun pumwesto talaga sya ng paupo para makamot ko ulo nya. nung mga oras na yun pawing pawi yung pagod at lungkot ko. Ang simple nang ginawa nya pero sobrang nahuli nun yung pagiging inosente ng utak ko.
At eto pa nung sobrang down na down ako sa nangyayare sa buhay ko napapansin ko lagi akong ginugulo ni katy. Kung hinde sya tatawid sa higaan ko para makapunta sa kisame, hihiga sya sa harapan ko sabay magpapakamot. Pag di mo pinansin bigla nalang ngingiyaw ng malakas. Parang baliw. Pero ngayon narealize ko yung pagpapansin nya palang yun sobrang makahulugan pala. Nung mga time na yun gusto ko ng kausap, wala kong makausap, baet ni lord alam nya nangyayare sakin ayun pinapunta nya si Katy sa tabe ko. Ang mali ko tiningnan ko lang sya, ni hindi ko lang man pinansin yung pag ngiyaw nyang yun.
Nakakatuwa kase yung pusang akala ko dati eh katulad lang ng ibang pusa na walang pake at basta nilang makikitira at magpapaalaga eh katulad ni Katy, di pala. Iba sya, alam nya kung pano nya pakikisamahan, papasiyahin at dadamayan yung amo nya. Sobrang Lab ko si Katy kahit higa sya ng higa sa higaan ko, at paulit ulit na kong nag lalaba ng kumot at punda ng unan ko.
:O :))
sa mga oras na ginagawa ko tong blog ko andito lang sya sa paligid. Paikot ikot, naghahanap siguro ng kalaro, unfortunately tulog na ang bespren nyang si Ping Ping. :) Kung alam nya lang na binoblog ko na sya. :3
KATEE TYO!!!
KATEE TYO!!!
BFF na kakamiss tuloy si borj si tatang at si bangbang
ReplyDelete