Ang aga aga binulabog nanaman ako/ kame ng mga kamga anak ko! Jusko men buong araw andito para pag lamayan tong PC makita lang yung Pesbuk nila hahahahahaha! Pero hinde yun yung pinaka enjoy na parte. Kase eto'ng pinsan kong si Jam Jam pasimuno nag palagay ng Old English black letter sa likod nya, ayun sunod sunod na. Pati yung pinasan kong si Angel nakasali nadin.. :)
Nakakatuwa lang kase kahit ang hussle ng pag hehenna gustong gusto ko syang gawin. Sobrang nakakasatisfy sa tuwing nakakatapos ako ng isang project sa katawan ng isang tao, pero minsan di din nasasatisfy yung mata ko sa ginagawa ko. Minsan napapangitan ako sa gawa ko feeling ko ang chaka chaka, disaster kaya minsan naiirita ako. Lalo na sa mga nilalagyan ko, pag magulo tas ang daming demands.. nako minsan nababadtrip ako kaya pag ganun pinapangitan ko nlang yung lagay. LOL
Nung mga nakaraang araw nga eh pinapaulit ulit ko sa nanay ko na gusto ko talaga maging tattoo artist. Parang gusto ko n atalagang karirin yun. Kaso nga lang kailangan ko pa tapusin yung course ko. Para di naman kase sa ikauunlad ko yun.. Sabe niya, Naniwala nalang din ako kahet nung time na sinabe nya yun eh labag sa loob ko. Mom's knows best nga daw eh. Pero ngayon di nanaman ganun ka bigdeal sakin yung issue sakin nung course na yun, dahil unti unti ko narin namang minamahal yun dahil nagiging interesado nadin ako. Tyaka syempre dahil sa mga taong nakakasama ko, oha oha!
Siguro kung mabubuhay man ako uli, ayoko maging hayop o halaman o puno, gusto ko padin maging tao. Gusto ko malasap yung mga bagay na di ko nalasap habang nabubuhay ako sa mundong ibabaw. Tas gusto kong mabubuhay ako sa simpleng pamilya,yung tipong wala akong gagawin kung hinde trabaho lang sa bahay at pagkatapos hahawak nlang ako ng paint brush at makakalatan nalang ng pintura sa kamay. At syempre, sana maging tattoo artist din ako, :) Yun lang okey na ko.
- Blackening Shampoo
- Hair dye courtesy by Jam Melicano
- Ballpoint (thrift store)
- Syringe
No comments:
Post a Comment